Saturday, December 6, 2008

ang paglabas ng aking abilidad sa pagiging makatha! bow!

may mga bagay talaga sa mundo na hindi maiiwasan. tulad na lang ang mapaaway ka ng dahil sa tsokolateng kinababaliwan mo na biglang hinablot sayo na mga taong walang magawa sa buhay kundi ang inisin ka! at oo, nakakainis talaga ang pangyayaring katulad nun. pero may magagawa ka ba?

masasabi kong likas na talaga sa isang nilalang ang pagkakaroon ng kakaibang ugali na nagkataon ay hindi mo gusto, pero meron din naman na nagkataon na gusto mo. maswerte ka na lang talaga kung nakatagpo ka ng taong tatanggapin ka kahit na sinusuka na nila yung mabantot na ugali mu. bakit? nakakatawa man sabihin pero siyempre sasabihin ko. para san pa at nagblog ako di ba?

bakit? e kasi NAUNA NA NILA MALUNOK ANG UGALI AT PAGKATAO MO NA UNA NILANG NASILAYAN SAYO SA MGA KAPANAHUNAN NA UNA KA NILANG NAKATAGPO.

magandang ehemplo nyan ay ang unang araw na nakatikim ako ng DURIAN. oo pare! DURIAN! pero sosyal ung natikman ko, "dried durian" tsong! parang "dried mango" lang eh noh? hindi ko alam na durian pala yung pinalamon sa akin ng mahal kong hipag. at ng sinubo ko ito, voila! ang sarap! siyempre dahil nagustuhan ko yung lasa, tinanong ko kung ano yun. "durian yan iya!" sabi niya. haha! nagulat ako. parang biglang bumaho hininga ko tsong. ang baho kaya ng prutas na yun! parang amoy utot na ewan! pero naging paborito ko siya. naging paborito ko siya kasi una kong natikman ang sarap ng lasa niya, bago ko pa man maamoy ang plastic na kinalalagyan niya.

ganyan din ang pag-ibig. una mo siyang makita, una mo siyang nakausap, una mo siyang natitigan, oo na! lahat na ng magandang una sa mundo! lahat ng "una" na yon, naramdaman mo. minahal mo ang taong gumawa ng lahat ng "unang" yun. at dahil sa pagmamahal na naramdaman mo, tinanggap mo ang buong pagkatao niya. inalagaan, ginabayan, at minahal pa lalo. pero siyempre, sa pagtagal ng pagsasama niyo, unti-unti nyong nakita at naamoy ang pangit at masangsang na ugali ng isa't-isa. oo, nakakabahala. nakakaduda. maaring dumating pa sa puntong akala mo e sawa kana. pero sa bandang huli, hindi ka makatulog dagil sa bawat tangkang pagpikit mo ng iyong mga mata, tanging liwanag ng pagmumukha nya ang lumalabas na larawan sa madilim na paligid ng iyong talukap.

akala niyo siguro napakagaling kong manghula ng mga gantong pangyayari noh? haha! mali kayo! dahil, sapagkat, datapwa't, marahil ito ay akjing sariling karanasan.

oo. at oo tanggap ko siya sa kung ano man klaseng pagkatao ang bumubuo sa kanya. e ano bang pakelam ko sa mga bagay na yon? may mas iimportante pa ba sa mga ngiting binibigay niya sa tuwing maligaya siya? may mas hihigit pa ba sa galak na nararamdaman niya sa tuwing natatawa siya? may mas sasarap pa ba sa bawat hilik na iniingay niya dahil sa napakalinamnam na tulog niya sa bawat araw na uuwi siyang pagod galing sa sosyal nyang "opisina"?? at higit sa lahat...




MAY MAS NATATANGI PA BANG KASIYAHAN SA PAGSAKSI KO SA KANYANG MGA MATA ANG LIGAYANG KANYANG NADARAMA DAHIL SA PAGTIKIM NIYA NG PABORITO NIYANG KAPE AT TSOKOLATE NA LAGI NAMING PINAGAAGAWAN DAHIL PAREHO NAMIN ITONG PABORITO KAHIT NA HINDI MASYADONG HALATA SA AKIN PERO SOBRANG HALATA SA KANYA???????



ang sagot ko? OO. MERON PA. ito ay ang PINTIG NG PUSO NIYA NA SA TUWING AKING NARIRINIG AY TILA MUSIKA SA AKJING TENGA DAHIL SA ALAM KONG ISANG NAPAKALAKING KATOTOHANAN NA ANG BAWAT TIBOK NITO AY ISANG HIMIG NA BUMUBUO SA AKING PANGALAN...




masaya ako dahil akin ka.

kontento ako dahil akin ka.

alam kong may silbi na ako dahil akin ka.

may buhay muli ako dahil akin ka.








AKIN KA KASI PARA SA AKIN KA MICHAEL TERMULO...



alam kong alam mo yan pakxet ka!! ^_^


No comments: